Arci, bet makainuman si Jung Kook!

Arci, bet makainuman si Jung Kook!

October 10, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagbahagi si Arci Munoz tungkol sa kanyang mga karanasan bilang faney ng phenomenal South Korean boy band na BTS nang mag-guest siya sa isang noontime show.

Aniya, fifteen times na raw niyang napanood ang concerts at shows ng nasabing K-pop group sa iba’t-ibang bansa.

Dagdag pa niya, pati raw online shows ng grupo ay pinapatulan niya.

Katunayan, para na raw siyang stalker ng nabanggit na grupo na napakalaki ng fanbase sa buong mundo.

Napanood na raw niya ang concerts ng BTS sa Japan, South Korea at California.

Hirit pa niya, may mga pagkakataong para raw siya makabili ng sold-out tickets ng grupo, kailangan pa niyang mag-miyembro sa official fans club ng tinitiliang boy band.

Pagbubunyag pa niya, pati raw mga merchandise ng BTS ay halos kumpleto na siya.

Paborito raw niya sa BTS members sina Jung Kook, Jimin, Suga at iba pa.

Noong pumunta raw siya sa Korea, nagpa-tattoo pa nga raw siya at ang gumawa nito ay ang mismong tattoo artist ni Jung Kook.

Pati raw ang piece of property na nabili niya ay ipinangalan niya kay Jimin ng BTS.

So, ganoon daw siya kahibang sa kanyang pagiging fan ng group.

Sa dami ng concerts at shows ng Grammy award-nominated group na napanood niya, hindi pa raw siya nakakalapit o nakakabeso sa mga ito dahil mahigpit talaga ang security nila.

Bagama’t magastos ang pagiging faney niya ng BTS, isa raw sa pangarap niya ay ang makainuman o lasingin si Jungkook.

Sa tinuran niyang ito, may mga nag-iisip tuloy kung bet ba niyang ‘pagsamantalahan’ ang naturang K-Pop personality.

Sa latest emote niya, pabirong nanawagan din siya sa mga producer na bigyan siya ng trabaho para nga naman masustentahan niya ang kanyang kapritso. Archie Liao