Duet OST ni BTS Jimin at Ha Sung Woon, namayagpag sa Melon

June 7, 2022 @9:00 AM
Views:
188
SEOUL, South Korea – Itinuturing nang fastest OST sa Korean streaming site na Melon ang duet ng BTS member na si Jimin at Ha Sung Woon.
Ito ay ang ‘With You’ na original soundtrack ng tVN drama na ‘Our Blues’.
Nakadagdag sa excitement ng mga fans at feels ng naturang awitin ang pagiging real life friends ng dalawa.
As of this writing, umabot na ng 15 million streams ang ‘With You’ sa Melon at namayagpag rin maging sa Spotify Korea, iTunes at Hot Trending Song ng Billboard.Ā RNT/JGC
Susan Roces naihatid na sa huling hantungan

May 26, 2022 @12:20 PM
Views:
181
MANILA, Philippines – Naihatid na sa huling hantungan ang Reyna ng Pelikulang Pilipino sa Manila North Cemetery (MNC) ngayong tanghali ng Huwebes.
Sa inilabas na update ng Manila Police District (MPD) alas 11:45 ng umaga nang dumating ang funeral convoy ng yumaong aktres sa MNC.
Nasa 700 naman ang crowd sa sementeryo kung saan karamihan sa mga dumalo sa paghahatid sa huling hantungan sa aktres ang kanyang mga tagahanga.
Nauna nang sinabi ni MPD Brig.Gen.Leo Francisco na nasa 200 ang ipinakalat na tauhan nito sa MNC para sa seguridad at kaayusan ng libing ni Susan Roces. Jocelyn Tabangcura-Domenden
My Chemical Romance, naglabas ng single after 8 years!

May 14, 2022 @1:30 PM
Views:
226
Los Angeles, USA – Finally, the long wait is over!
Nagbabalik ang bandang My Chemical Romance with their new track āThe Foundations of Decayā.
Just like their old songs, this one is dark, na nagpapahiwatig sa kung ano pa ang mga dapat abangan ng fans sa kanilang banda.
Ni-release ito mismo ng MCR sa kanilang social media account with no initial warning kaya naman marami talaga ang nasurpresa.
It was 2014 when MCR last dropped a song which was Fake Your Death na bahagi ng May Death Never Stop You compilation.
Bukod sa pasabog nilang new song, inaabangan din next week ang My Chemical Romance sa United Kingdom tour dates, bago ang kanilang dates sa Europe at U.S. later this year. Paula Jonabelle Ignacio
Sequel ng The Batman 2022, kumpirmado na!

April 29, 2022 @6:41 PM
Views:
187
Las Vegas, USA – Sigurado nang magkakaroon ng sequel ang The Batman 2022 at itatampok pa rin sina Robert Pattinson at Zoe Kravitz sa direksyon pa rin ni Matt Reeves.
Mismong ang chairman ngĀ Warner Bros. Pictures Group na si Toby Emmerich ang nagpahayag tungkol sa pagkakaroon ng sequel, at ginawa n’ya ang pagbabalita nito sa CinemaCon 2022 na idinaos sa Caesar’s Palace sa Las Vegas, USA nu’ng April 22-28.
Sinamahan si Emmerich ni Reeves sa entablado para i-announce ang balita. Ipinahayag nilang ang cast ng The Batman 2022 rin ang mga gaganap sa sequel pero walang iba pang detalye silang ibinahagi tungkol sa sequel.
Ang The Batman ay ini-release nu’ng March 4, 2022, at bukod sa magagandang reviews na naglabasan, kumita rin ito ng US$750 million sa takilya.
“Matt Reevesā violent, thrilling, darkly beautiful take on The Batman more than justifies its place in the franchiseās canon,” ayon sa review ng IMDb.
“Robert Pattinson as Batman in Director Matt Reeves (version) was able to craft a comic-accurate main character and story, not to mention its incredible gritty soundtrack and darker visuals,” ayon pa rin sa IMDb review.
The film also has the biggest first-week debut for HBO Max, kung saan mapapanood pa rin ito on demand pero libre para sa HBO Max subscribers.
Warner Bros. Chairman Toby Emmerich had this to say about Reevesā return as director for Batman: āMatt took one of our most iconic and beloved superheroes and delivered a fresh vision that clearly resonated with audiences and with your incredible support, shattered box office records around the world,Ā which is one of the reasons Iām excited to break the news that Matt, Rob Pattinson and the whole team will be taking audiences back to Gotham with The Batman 2.āĀ Danny Vibas
Diego, umaming stressful ang naging relasyon kay Barbie?

April 13, 2022 @5:50 PM
Views:
520