Ari ng paslit naimpeksyon sa kalikot ng matandang manyak sa Bulacan

Ari ng paslit naimpeksyon sa kalikot ng matandang manyak sa Bulacan

April 21, 2022 @ 4:53 PM 2 months ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong taong gulang na babae matapos maimpeksyon ang kanyang ari nang ipasok umano ang daliri ng manyakol na matandang binatang kapitbahay sa Plaridel.

Kinilala ang suspek na si Mang Tonio, 52, construction worker habang itinago sa pangalang “Aika” ang biktimang paslit na kapwa residente ng Brgy. Sipat.

Sa report, bandang alas-9 ng gabi nitong Martes, habang tinatanggal ng ina ang diaper ng paslit ay nagpupumiglas at idinadaing nito ang kanyang ari.

Dahil dito, tiningnan ng ina ang ari ng anak hanggang sa makitaan na may tumutulong mapusyaw na berdeng likido.

Tinanong ng ina ang kanyang anak na nagsabing habang nasa bahay siya ng suspek ay pinasok nito ang daliri sa kanyang ari.

Dahil dito, humingi ng tulong ang ina sa mga Brgy. Tanod kaya nahuli ang suspek at isinuko naman sa pulisya kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Rape in relation to RA 7610. Dick Mirasol III