Ariel, ayaw maging pabigat, nag-resign!

Ariel, ayaw maging pabigat, nag-resign!

March 18, 2022 @ 1:15 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Inamin ni Ariel Rivera ang dahilan kung bakit siya umalis sa programang Lunch Out Loud.

Ito’y prodyus ni Congressman Albie Benitez ng Brightlight Productions.

Ani Ariel sa panayam ng Cristy Ferminute, totoong nalulugi ang show pero pilit pa rin itong sinasalba ng producer.

Wala nga raw reklamo si Ariel kay Albie dahil ibinibigay naman nito ang mga pangangailangan ng show.

Masakit lang daw sa kanya ang magbitiw bilang host dahil sa mga katrabaho niya.

Para raw makabawas sa sakit ng ulo ng producer kaya umalis na lang siya.

Itinanggi rin ni Ariel na may mga katrabaho siyang nakasamaan ng loob.

In fact, pinuri niya kung gaano kahuhusay ang mga kasama niya, dahilan para lumabas na maganda ang show.

Kunsabagay, one has to sacrifice to achieve a greater good sa isang bagay, at nagkataong willing sacrificial lamb si Ariel.

Dagdag pa niya, tatayo raw ang LOL kahit wala siya.

It was such a good parting daw. No bad blood, no ill feelings. Ronnie Carrasco III