Ariella, game sa breast exposure, hindi nababahala sa BPCI!

Ariella, game sa breast exposure, hindi nababahala sa BPCI!

May 7, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Walang kiyemeng sinagot ni Miss Universe 2013 third runner-up na si Ariella Arida kung payag ba siyang magkaroon ng breast exposure sa wide screen.

Pansin kasi ng marami, lumalaon ay nagiging palaban siya sa mga sexy scenes.

Halimbawa na lang ay sa pelikulang Breathe Again, dalawa ang leading men niya, sina Tony Labrusca at Ivan Padilla.

Ariella gets to do sizzling scenes with them.

At dahil open nga siya sa pagpapaseksi ay naitanong nga kung kaya niyang ipakita ang kanyang boobey.

Sey niya, kung nagsu-surf nga raw siya ay sumisilip ang kanyang boobs sa bra nang hindi niya namamalayan.

As long daw as the story calls for breast exposure ay bakit hindi?

Hindi ba siya natatakot na baka ma-sanction siya ng Binibining Pilipinas Charities for going sexy?

Hindi maiaalis na kailangang maging wholesome siya sa paningin ng publiko.

A case in point is former Binibining Pilipinas winner na si Maria Isabel Lopez na tinanggal sa roster ng mga past winners.

Ayon kay Ariella, wala raw siyang dapat ikabahala dahil understanding naman daw ang BPCI.

Bukod dito’y hindi naman daw siya lumalampas sa guhit. Ronnie Carrasco III