Arjo at Maine, spotted sa simbahan sa Nasugbu, inaayos na ang kasal?

Arjo at Maine, spotted sa simbahan sa Nasugbu, inaayos na ang kasal?

January 20, 2023 @ 9:06 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Kung legal proceedings ang basehan, puwedeng gamiting Exhibit A ang litrato nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isang simbahan sa Batangas bilang ebidensiya to establish na inaayos na nila ang planong pagpapakasal ngayong 2023.

Spotted kasi ang magkasintahan sa Kaylaway Church sa Nasugbu, bayan ng Batangas.

Nakunan ‘yon ng litrato, thus fueling speculations among netizens na posibleng doon ikasal ang dalawa.

Malapit daw kasi ‘yon sa beach resort na pag-aari ng pamilya Atayde.

Lalo pang tumibay ang paniniwalang may magaganap na kasalan dahil nauna nang nabalita ang kanilang engagement.

Open at vocal naman ang dalawa na isa ito sa kanilang mga plano.

‘Yun nga lang, kung kailan ang mismong altar date ay hindi muna nila inaanunsyo.

Wala rin namang problema sa partido ng Quezon City congressman dahil mismong ang matriarch ng Atayde family na si Sylvia Sanchez once posted: “Welcome to the family!”

So, kung sa Kaylaway Church ang seremonya, sa beach resort ba ng pamilya Atayde gaganapin ang marangyang reception?

Nakini- kinita na ng mga netizens ang magarbong kasal kung saan ang mga inaasahang dadalo ay mula sa daigdig ng showbiz at pulitika.

Samantala, if the Maine-Arjo nuptials is on the horizon ay wala pa muna ito sa plano ng umamin nang magnobyong sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Finally kasi ay kinumpirma na nila ang kanilang relasyon at ayon nga kay Zanjoe: “It’s out in the open.”

Boto rin ang partido ni Ria sa nobyo niya.

However, ayaw ni Ria na masyadong pag- usapan ang kanilang relasyon.

As for Zanjoe, maaga pa raw para paghandaan ang  kasal nila ni Ria.

So, kung this year ikakasal sina Arjo at Maine, sa 2024 na sina Ria at Zanjoe? Ronnie Carrasco III