Arjo-Maine wedding sa 2023, kaabang-abang!

Arjo-Maine wedding sa 2023, kaabang-abang!

January 26, 2022 @ 1:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Isang  netizen ang nagbahagi kay Sylvia Sanchez na posible raw na sa taong 2023 pa ang  kasal ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa nobya nitong si Maine Mendoza.

Kung itatapat ito ng December, Arjo and Maine will have been celebrating their fourth (4th) anniversary.

Reaksyon kasi ito sa ipinost ni Sylvia na nalulungkot siya nang malamang mas matangkad na sa kanya ang bunsong anak nila ni Art, si Xavi, “Xavikok my baby no more.”

Sey pa ng aktres, “Hintay na lang talaga ako ng apo, *ehem ehem ehem,* but in the meantime, habang wala pa *ehem ehem ehem* sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Calllie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga fur babies ko.”

Ang mga sumusunod na pangalan ay mga alaga nilang aso.

Sylvia’s post was taken to mean na nagpaparinig ito dahil gusto na nitong magkaroon ng apo.

Tanggap niya ang katotohanang bukas makalawa’y wala na sa kanilang poder ang mga anak nila who will choose to live their lives.

Tsikka naman ng isang netizen, kung patama raw ‘yon kina Arjo at Maine ay huwag umasa si Sylvia na may kasalang magaganap this year.

Mauuna raw muna ang ate ni Maine, at malamang sa 2023 na sila.

‘Yun naman pala. Ronnie Carrasco III