Arjo, nagpabibo, may 6 na bills na inihain sa Kongreso!

Arjo, nagpabibo, may 6 na bills na inihain sa Kongreso!

July 4, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tunay ngang nagpapakitang gilas ang bagong upong First District Congressman ng Quezon City na si Arjo Atayde.

Would you believe na anim agad ang bills na inihain niya?

Isa sa anim na ‘yon ang pagsusulong na gawing film and television arts capital ang Quezon City.

Nito ngang oath taking last July 1, walang mapagsidlan ng tuwa anq ina niyang si Sylvia Sanchez.

Sa loob-loob daw ng premyadong aktres, sulit daw ang hirap at pagod noong panahon ng kampanya.

Tahimik siyang nakatingin sa anak na itinuturo niya bilang kandidato na kinutya, nilait, siniraan at ginawan ng mga imbentong salita pero hindi gumanti, bagkus ay lumaban nang parehas makamit lang ang minimithing pangarap.

Samantala, nowhere in sight sa oath taking ceremony ang nobya ni Arjo na si Maine Mendoza.

Matatandaang pinuri si Arjo noong campaign period sa pagsasabing hindi raw niya gagamitin ang popularidad ni Maine para makakuha ng boto. Ronnie Carrasco III