Armado at mapanganib: 3 preso umeskabo sa Bilibid

Armado at mapanganib: 3 preso umeskabo sa Bilibid

January 17, 2022 @ 10:23 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakas mula maximum security compound ng New Bilibid Prison ang tatlong preso, ayon sa Bureau of Corrections, Lunes.

Inihayag ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na nakatakas ang mga preso bandang ala-una ng madaling araw at pawang mga  armado at mapanganib.

Kinilala ni Chaclag ang mga nakatakas na preso na sina:

  • Arwin Villeza Bio, 35 anyos, may kasong murder at attempted murder;

  • Drakilou Yosores Falcon, 34 anyos, may kasong robbery with homicide; at

  • Pacific Villaruz Adlawan, 49 anyos, may kasong frustrated homicide, illegal drugs.

Base sa inisyal na imbestigasyon binarily ng tatlong preso ang anka-duty na guard sa Gate 4, at pumasok sa Gate 3 kung saan binaril din ang isa pang gwardya bago tumakas sa Sitio Magdaong, NBP Reservation Area.

Tatlong NBP officers at isang inmate ang sugatan sa pag-eskapo na agad ding dinala sa Ospital ng Muntinlupa.

Ipinakalat na ang Muntinlupa City police’s Special Weapons and Tactics and the Tactical Motorcycle Riding para tugisin ang tatlong puga. RNT