Armadong tulak, 2 pa arestado sa Bulacan buy-bust

Armadong tulak, 2 pa arestado sa Bulacan buy-bust

February 4, 2022 @ 2:14 PM 8 months ago


Bulacan – Arestado ang tatlong indibiduwal na pinaghihinalaang tulak matapos mabilhan at mahulihan ng iligal na droga at baril sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Larry Anonuevo,43,Mark Anthony Robles,29 at Jury Sanvictotes,35 kapwa residente ng Pabahay 2000 Brgy. Muzon.

Sa report ng SJDM police,ikinasa ang operasyon laban sa mga target bandang 9:30 pm nitong Miyerkules,Pebrero 2 sa bahay ni Anonuevo.

Nalamang nag-ugat ang operasyon dahil sa serye ng mga reklamo sa pulisya ng mga opisyal ng barangay tungkol sa iligal na aktibidades sa droga ng mga suspek.

Dahil dito,agad nagsagawa ng surveilance ang mga awtoridad at nang magpositibo ay nagsagawa ng operasyon.

Base inisyal na imbestigasyon,nabilhan sina Anonuevo at Robles ng isang maliit na sachet ng poseur buyer habang nahulihan naman si Sanvictores ng sachet na kapwa pinaghihinalaang shabu kaya inaresto.

Sa kasagsagan ng operasyon nahulihan din si Anonuevo ng isang caliber 45 pistol (Armscor),magazine na may limang bala,base pa rin sa report.

Nakuha sa operasyon ang kabuuang 10 small sachet na pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust item at coin purse.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.(Dick Mirasol III)