Armored vehicle sa Virginia, tinangay ng sundalong adik

Armored vehicle sa Virginia, tinangay ng sundalong adik

June 7, 2018 @ 5:06 PM 4 years ago


Virginia – Tumagal nang halos dalawang oras ang paghahabol sa isang sundalong naka-droga na tumakbo ng isang armored carrier ng Fort Pickett Virginia National Guard.

Ayon sa Virginia State Police, alas-7:50 ng gabi nang itakbo ng suspek na kinilalang si Joshua Philip Yabut, 29-anyos at taga-Richmond ang M577 armored personnel carrier sa Nottoway County.

Binagtas nito ang Route 460 papuntang Interstate 95 sa bilis na 40 miles per hour.

Bago nito, nag-post pa ang sundalo ng video niya sa Twitter kung saan nasa gilid pa lang siya ng nasabing sasakyan.

Wala namang naitalang nadamay o nasirang establisyimento sa naging habulan na natapos lang nang i-park ng suspek ang carrier malapit sa city hall ng lungsod bandang alas-9:40 ng gabi.

Sa ngayon ay nahaharap na sa kasong ‘driving under influence drugs’, unauthorized use of a vehicle at pagtakas sa mga awtoridad. (Remate News Team)