Army kampeon sa 4th leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

Army kampeon sa 4th leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

January 31, 2023 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA – Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo.

Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, Manila Baywalk.

Minarkahan ang tagumpay ng malinis na pagwalis ng Dragon Warriors sa PDBF Regatta na nagpatuloy noong nakaraang taon matapos ang pagkansela ng mga sporting event dahil sa pandemya.

Sinimulan ng Philippine Army ang 2023 sa matagumpay na kampanya sa Mayor’s Cup Spring Festival Dragon Boat Race na ginanap noong Enero 21-22 sa Cagayan de Oro City.

Pinamunuan ng Army paddlers ang 1,000-meter Catch the Rabbit Tail Standard Mixed Crew, 300-meter Standard Mixed Crew, at ang 300-meter Standard Open Crew na mga kategorya.

May kabuuang 636 paddlers mula sa 17 elite teams sa buong bansa ang lumahok sa pinakamalaking dragon boat race sa Cagayan de Oro.

Ang Army Dragon Warriors, isa sa mga founding member ng PDBF, ay naging isang powerhouse team mula nang mag-debut ito sa lokal na dragon boat noong 2010.

Nag-uwi sila ng mga gintong medalya noong International Dragon Boat Federation-sanctioned World Dragon Boat Championships sa Italy (2014) at Australia (2016). JC