Army official patay; nalunod sa diving session

Army official patay; nalunod sa diving session

February 7, 2022 @ 6:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang Army official nang malunod sa scuba diving noong Sabado, Pebrero 5 sa Initao, Misamis Oriental.

Kinilala naman ang 54-anyos na nasawi na si Col. Nolie Anquillano, deputy brigade commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade sa Marawi City.

Sinabing sumama ito sa scuba diving bandang 9:40 a.m. at naiulat na nawawala noong 10:20 a.m.

Nagsagawa naman ng search and rescue operation ang divemasters at dito narekober si Anquillano.

Bandang 1:15 p.m. nang ito ay maisugod pa sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang patay ng doktor. RNT/FGDC