Army rumesponde sa pangingikil ng NPA; 2 rebelde patay; 2 huli

Army rumesponde sa pangingikil ng NPA; 2 rebelde patay; 2 huli

January 31, 2022 @ 5:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawa rin ang naaresto ng Philippine Army (PA) sa naganap na engkuwentro sa Malaybalay City, Bukidnon.

Sinabing rumesponde ang 2nd Scout Ranger Battalion (2ndSRB) at 8th Infantry Battalion (8IB) sa tip ng residente na may nangingikil ng pera at pagkain sa Sitio Lamana, Barangay Kibalabag, Malaybalay City noong Sabado.

Narekober dito ang katawan ng rebelde na sina ‘Draw’ at ‘Paet.’

Samantala, naaresto sina Nisy Sante alias “Arnold,” 72, supply officer ng Squad 1; Regional Sentro De Gravedad (RSDG) Compaq, NCMRC; at  Gelloye Lipanya Sagula alias “Janjan,” 20.

Patuloy naman ang pursuit operations laban sa ikalimang rebelde na nakatakas.

Habang nareskyu rin ang pitong sibilyan kung saan apat sa kanila ay menor de edad.

Tinukoy naman ang mga ito na sina “Jecko,” 30,kanyang anak na si “Gerald,” 11; “Raffy,” 28 at kanyang asawa si “Jennifer,” 24 kasama ang kanilang mga anak na sina “Jepoy,” 5, “Junray,” 3, at Shantal 1. RNT/FGDC