Arnel, pinuri sa pag-rescue ng pagong!

Arnel, pinuri sa pag-rescue ng pagong!

October 13, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Anything with life is worth saving.

Pinuri ng mga netizen ang marahil ay panuntunang ito sa buhay ng singer na si Arnel Pineda.

Nag-viral kasi ang pagsagip ni Arnel ng isang sea turtle na nalambat ng isang mangingisda.

Sa video posted on Instagram, makikitang maingat na bitbit ni Arnel ang pagong at ibinalik sa dagat.

Akma pa ang ginamit na scoring sa video na I Want To Break Free ng grupong Queen ni Freddie Mercury.

Post ni Arnel, “As soon as I saw this caught by a fisherman, I told myself this has to go.”

Dinagsa naman ng mga papuri ang comment section.

Ayon sa mga netizens na obyus na mapangalaga sa marine life, “This touched my heart. You did a good job.”

May isa ring netizen who thanked the singer on behalf of the turtle and its family na animo’y tao rin ito that should be brought back to its natural habitat.

Still another netizen had to stop his partner para bigyang pansin ang heroic deed ni Arnel.

Anito: “Wait, Arnel is rescuing sea turtles!”

Let’s face it, may mga ibang tao kasi na ninenegosyo ang iligal na paghuli ng mga pawikan.

Marahil, ang mensaheng nais iparating ni Arnel: such practice needs to stop, and the only way to do it is to set free those sea turtles. Ronnie Carrasco III