Arnis kasama sa SEAG sa Cambodia

Arnis kasama sa SEAG sa Cambodia

September 19, 2022 @ 3:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasama na sa medal event ang sports na arnis sa gaganaping 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 2023.

Isa ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee matapos makipagpulong sa organizer ng SEA Games.

Ikinatuwa ni Senate President Miguel Zubiri bilang pangulo ng Eskrima Kali Arnis Federation president at chairman sa pagsama na ng arnis sa SEA Games.

Ayon kay Zubiri, matagal na niyang isinusulong na dapat isama ang sports na arnis sa anumang international sporting events.JC