Arraignment sa viral SUV driver ipinagpaliban

Arraignment sa viral SUV driver ipinagpaliban

August 26, 2022 @ 4:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal sa SUV driver na nag-viral sa social media dahil sa dalawang beses na pagsagasa sa mall security guard.

Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, isasagawa dapat ang arraignment sa akusado na si Jose Antonio Sanvicente noong Agosto 24, Miyerkules.

Gayunman ipinagpaliban ito bunsod ng work suspension dahil sa bagyo.

Dahil dito, nuling itinakda ang pagbasa ng sakdal sa akusado sa Setyembre 7 sa ganap na ala-1:30 ng hapon.

Kinasuhan ng piskalya si Sanvicente noong Agosto 5 sa Mandaluyong City Regional Trial Court ng frustrated homicide.

Magugunita na matapos sagasaan ng akusado ang biktima ay hindi man lang nito itinigil ang sasakyan at sa halip ay sinagasan ito muli at tumakas. Teresa Tavares