Arrest warrant ng ICC kay Putin, ‘fair warning’ sa iisnab sa drug war victims – solon

Arrest warrant ng ICC kay Putin, ‘fair warning’ sa iisnab sa drug war victims – solon

March 19, 2023 @ 9:31 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Sabado, Marso 18, na ang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin ay magsilbing sanang “fair warning” para sa patuloy na pagtanggi sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng war on drugs sa nakaraang administrasyon.

Nitong Biyernes, Marso 17, matatandaan na naglabas ng arrest warrant ang Hague-based ICC laban kina Putin at Maria Lvova-Belova, presidential commissioner for children’s rights ng Russia, kaugnay sa war crime accusation ng labag sa batas na pag-deport sa mga batang Ukrainian.

“The arrest warrant for President Putin is a strong message to the global community that the world will not idly watch while war crimes, genocide, and crimes against humanity are being committed within the territories of individual countries,” pahayag ni Hontiveros.

“Moscow may continue to argue that the warrants are moot, but member-states of the ICC are duty-bound to arrest those upon whom warrants are served when they come into the territory of an ICC member-state. This already severely curtails the movement of perpetrators. Further, Kyiv has accepted the jurisdiction of the ICC over crimes on its territory,” dagdag pa niya.

Umaasa si Hontiveros na may matutunan ang bansa sa pangyayaring ito at aksyon ng ICC laban kay Putin.

“I can only hope that there is something to be learned from this. To those who continue to deny justice to victims of state-sponsored abuses, including the excesses of a failed drug war, consider this a fair warning. ‘The arc of the moral universe is long, but it bends towards justice,'” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay tinitingnan ng ICC ang mga alegasyon ng “crimes against humanity” sa pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanindigan naman si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na umiiral ang justice system sa bansa at sinabing “the Philippines is far from being a failed state.”

Kasunod nito ay ang tanong niya kung sino naman ang magpapatupad ng arrest warrant para kay Putin.

“Wala naman tayo control sa kanila kung maglabas sila ng warrant of arrest; wala tayong problema dyan ang tanong sino mag-implement ng warrant of arrest na ‘yan. Sino mag-implement yung PNP (Philippine National Police) or NBI (National Bureau of Investigation)? Sabihin naman [ng PNP or NBI] we are not bound by your whatever decisions dahil hindi kami miyembro,” tanong ni Dela Rosa sa panayam.

Nauna nang ipinanawagan ng Pilipinas sa ICC na huwag nang ituloy ang imbestigasyon nito laban sa drug war ni Duterte, sabay-sabing wala na itong hurisdiksyon dahil sa withdrawal sa ICC.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang intensyong bumalik sa ICC ang Pilipinas. RNT/JGC