Arrest warrant ng paring rapist, inilabas na

Arrest warrant ng paring rapist, inilabas na

March 3, 2023 @ 12:30 PM 4 weeks ago


SOLANA, CAGAYAN- Pormal nang naglabas ng madamiento de aresto o warrant of arrest si Judge Dennis Mendoza ng RTC Branch 4 Tuguegarao City laban kay Father Karole Reward Israel, Assistant Parish Priest ng St. Vincent Ferrer sa Solana, Cagayan para sa kasong pangmomolestya.

Nakasaad sa inilabas na warrant of arrest laban kay Father Israel ang reklamong 20 counts ng acts of lasciviousness, voyeurism, at rape.

Ang mga nabanggit na kaso ay isinampa ng isang dalagitang mag-aaral ng isang pribadong paaralan at miyembro ng Youth Ministry sa bayan ng Solana.

Tinakot at pinagbantaan umano ang biktima ng Padre na kung tangkain man nitong magsumbong ay ilalabas nito ang kanilang kuhang sex video.

Matatandaan na noong Oktubre 18, 2022 ay nadakip si Father Israel matapos ang ikinasang rescue operation ng mga awtoridad sa Barangay Iraga.

Subalit, pansamantala itong nakalaya matapos magpiyansa ng P183,000 noon ding Oktubre 20, 2022.

Samantala, sa inilabas na warrant of arrest ni Father Israel ay walang inirekomendang piyansa na kasalukuyan ngayon pinaghahanap na ng pulisya. Rey Velasco