Arrest warrant vs 2 aktibista, kinondena ng ilang grupo

Arrest warrant vs 2 aktibista, kinondena ng ilang grupo

September 28, 2022 @ 7:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang grupo makaraang isyuhan ng arrest warrant ang dalawang labor leaders.

Kamakailan ay naglabas ng warrant of arrest ang Quezon City court laban kay Kilusang Mayo Uno international officer at University of the Philippines student na si Kara Taggaoa at Pasiklab Operators and Drivers Association (PASODA) president Helari Valbuena dahil umano sa pagnanakaw.

Ang reklamo ay konektado umano sa nangyaring kilos protesta noong Hulyo 2020 sa Commission on Human Rights compound ayon kay KMU chairperson Elmer “Bong” Labog.

“We were really surprised that the complaint was just filed recently against the 2 mass leaders who were then involved,” ani Labog sa panayam ng ANC ngayong Miyerkules, Setyembre 28.

“There wasn’t any benefit of a preliminary investigation, and suddenly these cases sprung up after 2 years, so obviously they are trumped-up charges to limit the democratic space of the protesters then and now,” dagdag pa niya.

Inakusahan ang mga ito na kasabay umano ng protesta ay kinuyog nila ang isang pulis at kinuha ang ilang gamit nito tulad ng pistola, wallet, IDs at iPhone.

Inihayag rin ng grupo na ni-hindi man lang nakalapit sa lugar kung saan nangyari ang insidente ang isa sa mga inakusahan na si Kara Taggaoa.

“Ayon kay Kara [Taggaoa] ay hindi man lang siya nalalapit sa kung saan nangyari ang insidenteng tinutukoy ng mga kapulisan,”anang Kabataan party-list sa isang Facebook post.

Humingi naman ng tulong ang ilang mga grupo upang makalikom ng salapi na gagamitin upang piyansahan sina Taggaoa at Valbuena na tig-100,000 piso kada isa. RNT/JGC