Arrest warrant vs Vhong Navarro inilabas na

Arrest warrant vs Vhong Navarro inilabas na

September 19, 2022 @ 11:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Taguig court nitong Lunes ng warrant of arrest laban sa comedian-host na si Vhong Navarro para sa acts of lasciviousness batay sa kasong inihain ng modelong si Deniece Cornejo. 

Patungo na si Navarro sa National Bureau of Investigation upang sumuko, ayon sa kanyang abogado na si Alma Mallonga. 

Inirekomenda ng Taguig Metropolitan Court ang piyansang P36,000.

Hiwalay ang acts of lasciviousness case sa rape case na nauna nang inihain laban kay Navarro. Naganap umano ito noong Jan. 22, 2014.

Magugunitang sinabi ni Cornejo na pinagsamantalahan siya ni Navarro sa kanyang condominium unit noong Jan. 22 subalit kalaunan ay sinabing naulit ito noong Jan 17.

Ang paghahain ng rape at acts of lasciviousness charges laban kay Navarro ay kasunod ng pagpabor ng Court of Appeals kay Cornejo, na taliwas sa pagbasura ng DOJ sa lahat ng kasong ikinasa laban kay Navarro dahil sa inconsistency sa pahayag.

Inihayag naman ng abogado ni Navarro ang mga kaganapan noong Jan. 22, 2014, nang siya ay “detained, mauled, threatened, tied up” ng grupo ni Cedric Lee. Nakita naman si Cornejo sa CCTV sa loob ng elevator pagkalipas ng ilang minuto nang pumunta si Navarro sa kanyang condo unit.

“After she enters elevator, she is smiling, even apparently suppressing giggles, as she looks at her reflection, making it clear she was not a victim of rape/attempted rape/acts of lasciviousness,” pahayag ni Mallonga.

Ihihirit naman ni Navarro ang reconsideration ng order na mag-isyu ng arrest warrant, subalit pansamantalang susuko sa mga awtoridad, base pa rin sa kanyang abogado.

“Mr. Navarro reiterates that he is the victim of the crimes of Serious Illegal Detention and Grave Coercion,” ani Mallonga. 

Sa panayam nito lamang nakaraan, sinabi ni Navarro na naalarma siya sa muling paglitaw ng rape case.

“Ever since na nagsimula ‘to, nagsabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsinungaling. Consistent ako dun sa mga affidavit namin. Kumbaga lahat kinwento ko dun. ‘Di ba paulit-ulit kong sinasabi, ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko rito ay ‘yung niloko ko ‘yung girlfriend ko noon at ito na ‘yung wife ko noon,” aniya. RNT/SA