Arron Villaflor, payag maging kerido!

Arron Villaflor, payag maging kerido!

January 29, 2023 @ 8:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kontrobersyal ang title ng bagong pelikula ni direk GB Sampedro, ang La Querida. Ang salitang querida kasi ay isang Spanish word na ang ibig sabihin ay ‘romantic partner’ pero sa Pinas, it conotes a different meaning like ‘kabit’.

‘Yan nga ang in-explain ni Direk GB sa ginanap na mediacon.

Kaya sa movie na La Querida, ito ay tungkol sa kakaiba at malalim na love story at ito ay hindi tungkol sa pangangabit.

At dahil nai-explain nang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng querida o querido sa Spanish ay prisintado naman ang isa sa mga bida na si Arron Villaflor na willing siyang maging querido.

“Okay lang na maging querido ako kasi maalaga talaga ako at isang committef na partner. Kung talagang nagmamahalan kami ng partner ko at naibibigay namin ang tamang love, payag na payag ako maging querido,” sabi pa ng aktor.

Follow-up question kay Ahron, nagbibigay ba siya ng second chance sa isang kapartner na nagkamali?

“There is always a room for learning and mistakes at kung may pagkakataon na ganu’n, tingnan na lang natin kung sino sa dalawa ang tunay na nagmamahal.

“Yes for second chances, oo naman. Kung minsan, very subjectove ang chance, e, depende sa sitwasyon na meron ka.

“Basta mahal niyo ang isa’t isa, walang problema. Ang secret kasi doon is communication,” explain pa ni Ahron.

Kasama ni Arron sa movie sina Angela Morena, Jay Manalo, Mercedes Cabral, at Josef Elizalde. Streaming na ang La Queroda sa Vivamax on February 10, 2023. JP Ignacio