Arroyo: Dual citizens payagang tumakbo sa eleksyon, mai-appoint

Arroyo: Dual citizens payagang tumakbo sa eleksyon, mai-appoint

October 7, 2022 @ 9:58 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Gloria Macapagal Arroyo na payagan nang makatakbo sa election at maitalaga din sa sa gobyerno ang mga Filipino na may dual citizenship.

Layon ng House Bill 486 na inihain ni Arroyo na amyendahan ang RA 9225 o Citizens Retention and Reacquisition Act kung saan aalisin na ang requirement na kailangang i-renounce ang foreign citizenship ng isang kandidato sa oras na maghain ito ng certificate of candidacy.

Sa ilalim ng section 5 ng Saligang Batas, kailangang pormal na i-reject sa pamamagitan ng sinumpaang affidavit ang foreign citizenship ng isang indibidwal bago makasali sa eleksyon subalit sa isinusulong ni Arroyo ay tatanggalin na din ito.

“As catalysts of development in the Philippines, it would be a disservice to our kababayans abroad if they are not accorded the same rights as those staying in the country. While present laws allow them to exercise their right to vote and make their voice heard in Philippine elections, it is only fair if they are given the chance to participate in local elections and be appointed to public office without jeopardizing the citizenship they have acquired from their host country,” ayon kay Arroyo.

Katwiran ng dating Pangulo na layunin ng kanyang inihaing panukala na bigyan ng karapatan ang mga Pinoy na nanggaling sa abroad na makapagsilbi sa sariling bayan nang hindi na kailangan pang isuko ang pagiging dual citizen. Gail Mendoza