Arroyo, hindi balakid sa Death penalty bill

Arroyo, hindi balakid sa Death penalty bill

July 24, 2018 @ 4:57 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Tila wala nang nakikitang balakid ang Malakanyang sa pag-usad ng isinusulong na Death Penalty Bill kahit pa bago na ang Speaker ng House of Representatives sa katauhan ni dating Pangulo at Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakalusot na kasi sa Kongreso ang panukalang death penalty at kasalukuyan na ngayong nasa kamay ng Senado.

“Hindi, wala na pong gagawin ang House in the sense na naipasa na ng House iyan; parang Universal Healthcare ko, naipasa na ng House. So, it’s in the ball of the—it’s in the Senate. And we are prompting again the Senate, please enact it. Pag hindi pa naman na-enact iyan, ewan ko na ano. Meron ng certification as urgent, meron ng banggit na naman sa SONA. OA na nga iyan eh ano. But anyway, sige,” ayon kay Sec. Roque.

Napag-alaman na kilalang tutol sa parusang bitay si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung saan tinanggal itong Deputy House Speaker nang bumoto kontra sa panukala.

Subalit, sinabi ni  Sec. Roque na gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling maipatupad ang parusang bitay sa mga kriminal na sangkot sa iligal na droga at sa mga karumal-dumal na krimeng resulta ng paggamit ng iligal na droga. (Kris Jose)