Arroyo, itinangging gustong maging Prime Minister ng bansa

Arroyo, itinangging gustong maging Prime Minister ng bansa

July 27, 2018 @ 8:28 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Itinanggi ni bagong Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gusto niyang maging Prime Minister kung maipatutupad ang parlyamentaryong gobyerno sa bansa gamit ang Charter Change.

Usap-uspan ang pag-upo ni Arroyo sa liderato ng Kamara dahil pinaghihinalaang ito ay plano upang siya ay maging prime minister ng bansa.

Pinabulaanan ito ni Arroyo at sinabing, “No, no, no, no. Not true.”

Kung sakaling maipatupad ang ipinasang draft ng federal constitution na inendurso ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, may pagkakataon pa rin ang Kongreso na aprubahan ang a parliamentary system na pinangungunahan ng prime minister, pagbobotohan ng mga miyembro ng parliament.

Samantala, binigyang diin din ni Arroyo na hindi papayagan ng lower chamber sa kaniyang liderato ang anumang aksyon na pipigil sa eleksyon 2019.

“No to ‘no-el’. The elections have to push through,” sabi niya.

Suportado ni dating Speaker Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang no-election scenario sa 2019 upang bigyan ng mas mahabang oras ang mga mambabatas para sa proposed shift sa pederalismo.

Ang no-el scenario ay nangangahulugan na mapapahaba ang panunugkulan ng mga miyembro ng lower chamber, lahat ng lokal na opisyal at ibang senador. (Remate News Team)