Arroyo may COVID, ‘di makadadalo sa SONA

Arroyo may COVID, ‘di makadadalo sa SONA

July 25, 2022 @ 9:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na makakadalo si Pampanga (2nd District) Rep. Gloria-Macapagal Arroyo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong Lunes matapos itong magpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Kinumpirma ni Erwin Krishna Santos, chief of staff ni Arroyo, sa isang pahayag noong Linggo na ang dating Pangulo ay na-diagnose na positibo sa antigen test noong Hulyo 15 at sumailalim sa self-quarantine.

Sinabi ni Santos na si Arroyo ay “umiinom ng mga iniresetang gamot at supplement na kinakailangan ng isang pasyente ng Covid-19.” RNT