Arroyo, nakaraang taon pa inaawitan maging speaker-Rep Andaya

Arroyo, nakaraang taon pa inaawitan maging speaker-Rep Andaya

July 25, 2018 @ 2:00 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Noong isang taon pa hinihikayat ng mga mambabatas si Pampanga Rep Gloria Macapagal Arroyo na maging House Speaker subalit tumatanggi ito hanggang sa pumayag na nang makitang mayorya sa House of Representatives ang sumusuporta sa kanya.

Ito ang isiniwalat ni Camarines Sur Rep Rolando Andaya kung saan 1 taon umano bago pa nakumbinsi si Arroyo at walang katotohanan na siya ang nang-agaw pa sa pwesto ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ani Andaya, nasaksihan niya kung paano isa isang mga lider mula sa iba’t ibang political parties ang lumapit kay Arroyo para palitan na nito si Alvarez.

Hindi naman na binanggit ni Andaya ang reklamo ng mga mambabatas kay Alvarez maliban sa pagsasabing personal ang ilan sa mga ito habang ang pinakamalaking dahilan umano ay duda ang ilang mambabatas sa kakayahan ni Alvarez na isulong ang economic agenda ng Duterte Administrastion habang si Arroyo ay may sapat na experience at kakayahan.

“Nakita niya na overwhelming ‘yung suporta. Ikaw na mismo ‘yung hinihiling na mamuno, siguro naman po mahirap tanggihan ‘yan.”pahayag ni Andaya sa kung ano ang nagtulak kay Arroyo para pumayag nang palitan si Alvarez.

Sa tanong kung ay kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagpapaupo kay Arroyo, sinabi ni Andaya na wala syang firsthand information dito. (Gail Mendoza)