Arroyo nakiramay sa Royal Family

Arroyo nakiramay sa Royal Family

September 10, 2022 @ 8:50 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II, nagpaabot rin ng pakikiramay si Former President at ngayon ay House of Representatives Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Royal Family.

Sa isang statement na inilabas nitong Biyernes, Setyembre 9, sinabi ni Arroyo na malaki ang naging bahagi ni Queen Elizabeth II noong siya ay Pangulo pa.

Matatandaan na personal na binisita ni Arroyo si Queen Elizabeth II noong Disyembre 2007.

“I am deeply saddened to hear the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II. The world will always remember her long and glorious reign,” ani Arroyo.

“I will forever cherish Her Majesty’s advice and encouragement when we visited her during my presidency. My sincere condolences to the entire Royal family and the peoples over whom she reigned,” dagdag pa niya.

Kasabay nito ay nagpost pa ang dating Pangulo ng larawan niya sa Buckingham Palace kung saan makikita siyang nakikipagkamay sa Reyna. RNT/JGC