Arroyo, pinalitan si Alvarez bilang House Speaker

Arroyo, pinalitan si Alvarez bilang House Speaker

July 23, 2018 @ 4:47 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinalitan na sa pwesto ni Pampanga Representative Gloria Arroyo bilang pinuno ng House of Representatives si dating Speaker  Pantaleon Alvarez, ngayong Lunes (July 23).

Halos 161 na mambabatas ang pumirma sa manifesto kung saan itinatalaga si Arroyo bilang Speaker, ayon kay Deputy Speaker Rolando Andaya Jr.

“The House of Representatives, and the Nation, will benefit from the experience, competence, sobriety, steady, and unifying leadership of former president and Rep. Gloria Macapagal Arroyo as Speaker,” ayon sa kopya ng manifesto na kumakalat sa mga reporter.

“As many critical issues involving the future structure and framework of our government will need to be discussed very soon, a credible and competent House leadership will be needed to guide and steer the national debate towards a resolution of these pending issues,” ayon pa sa dokumento.

Nanumpa na rin si Arroyo bilang Speaker ilang minuto lamang bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Huling termino na ni Arroyo sa pagiging congresswoman kung saan siya ang kauna-unahang babaeng dating Pangulo na mamumuno sa House.

Sinibukan pang pigilan ng mga kaalyado ni Alvarez na pigilan ang pagpapatalsik sa kaniya sa pamamagitan ng biglaang pag-adjourn ng opening session kung saan pinigilan din nitong maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law bago ang SONA ng Pangulo.

“Hindi naman sinet aside [ang BOL] but it was overtaken by intramurals within the administration coalition,” ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin. (Remate News Team)