Arroyo, pinayuhan si PBBM sa pakikipagpulong nito kay Xi Jinping

Arroyo, pinayuhan si PBBM sa pakikipagpulong nito kay Xi Jinping

November 18, 2022 @ 9:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  pagdating sa pakikipagpulong nito kay Chinese President Xi Jinping sa  sidelines ng APEC Summit.

“PGMA is definitely a big asset. Her reputation, her track record needs no introduction to anyone. Her advice, her counsel to President Marcos right now is valuable,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam bago pa isinagawa ang bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay Xi, araw ng Huwebes, Nobyembre 17.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye si Romualdez kung ano ang payo na ibinigay ni Arroyo kay Pangulong Marcos.

“I am not privy to any specific advice but PGMA has always been a good counsel to President Marcos. President Marcos respects PGMA a lot for her vast experience,” aniya.

Dumalo si Arroyo sa APEC CEO Summit, araw ng Huwebes kung saan nagdeliver ang Pangulo ng kanyang 12-minute speech at nagpartisipa sa  isang forum kasama ang ibang lider, tinalakay ang  global economy at ang hinaharap ng APEC. Kris Jose