Arroyo ‘secret weapon’ sa APEC 2022 sa Thailand – PBBM

Arroyo ‘secret weapon’ sa APEC 2022 sa Thailand – PBBM

November 20, 2022 @ 12:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Sabado ng hapon, Nobyembre 19 si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang “secret weapon” niya sa 29th Asia Pacific Economic Cooperation sa Thailand.

Ayon kay Marcos, maituturing si Macapagal-Arroyo na isang asset sa kanyang delegasyon dahil bilang dating Pangulo ay naging kaibigan na nito ang ilang world leaders sa dumalo sa pagpupulong.

“Sinasabi kong secret weapon dahil ako ang baguhan dito, ako yung… bagong naging leader kaya pag papasok kami sa meeting noong nakita si GMA, ‘ito, my old friend, good friend.’ Madali na agad yung usapan,” aniya.

Ganito rin ang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez at sinabing si Arroyo ay asset sa delegasyon ni Marcos sa naturang global event.

Mismong ang Pangulo ang nag-imbita kay Macapagal-Arroyo, na sinabing magiging malaking tulong sa kanyang pagbisita sa Thailand ang mga karanasan nito bilang dating namuno sa bansa. RNT/JGC