ARTA pumalag sa hiling na pagbuwag sa ahensya

ARTA pumalag sa hiling na pagbuwag sa ahensya

September 21, 2022 @ 7:08 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang dumulog sa Office of the Ombudsman ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) makaraang lumitaw ang panawagan na buwagin ang naturang ahensya.

Ito ang sinabi ni AKO BICOL party-list Rep. Raul Angelo Bungaon.

“The Anti-Red Tape Authority is reaching out to the Office of the Ombudsman to seek clarification on the agency’s investigative function to ensure that it is aligned with the jurisdiction of the Office of the Ombudsman.”

Kasabay ng pagdinig sa plenaryo sa proposed 2023 budget ng ARTA, idiniin ni Bongalon ang kahalagahan ng ahensya.

“The Anti-Red Tape Authority is still relevant in all government processes. In fact, the ARTA, the Anti Red Tape Authority, is identified as one of the committee members of the proposed committee on national government rightsizing,” ani Bongalon na siya ring budget sponsor ng ARTA sa Kamara.

“It is one of the top priority bills of the Marcos administration, proposed by no less than Pres. Marcos during his first State of the Nation Address,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay inihayag ni Ombudsman Samuel Martires sa House Justice committee ang dalawang legislative agenda nito, ang buwagin ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at amyendahan ang new Sandiganbayan law.

“The Office of the Ombudsman would appreciate if Congress can amend or repeal the ARTA law, which is an unconstitutional law, as it usurps or encroaches upon the powers of the Ombudsman, pursuant to section 13(7), Article XI of the Constitution,” ani Martires. RNT/JGC