Artes: Mga motorista, nasasanay na sa exclusive motorcycle lanes sa QC

Artes: Mga motorista, nasasanay na sa exclusive motorcycle lanes sa QC

March 14, 2023 @ 11:20 AM 2 weeks ago


MANILA Philippines- Sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes na nasasanay na ang mga motorista sa exclusive motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Matapos ang unang apat na araw ng pilot test run, bumaba na ang bilang ng mga motoristang nasisista sa paglabag sa exclusive motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Elliptical Road sa Doa Carmen, base kay MMDA acting chairman Romando Artes.

Inihayag ni Artes na sa unang araw ng dry run, March 9, 337 cars ang nasita sa pagmamaneho sa designated motorbike lanes.

Noong March 10, umabot ito sa 569, subalit noong March 11 bumaba ito sa 363, at noong March 12, 225 na lamang ito.

“We are hopeful that these numbers will continue to decline as we continue to guide our motorists for another week of test runs for the exclusive motorcycle lane on the largest highway in the metropolis,” pahayag ng MMDA official.

Kapag naging matagumpay ang dry-run, sinabi ni Artes na posibleng magkasa pa ng dedicated motorcycle lanes.

Kaya naman hinikayat niya ang mga motorista na sumunod sa polisiya at bigyan ito ng pagkakataon, at sinabing idinisenyo ang exclusive motorcycle lanes para bawasan ang bilang ng motorcycle-related road crashes at pagbutihin ang daloy ng trapiko.

Gayundin, inilahad ni Artes na nakikipag-ugnayan ang MMDA sa Department of Public Works and Highways para maglagay ng reflectors at solar street lamps at magsagawa ng patchwork repairs, kasunod ng reklamo ng ilang motorcycle riders na may potholes ang mga lane o kaya naman ay malubak. RNT/SA