Artificial islands ng China sa WPS, ikinagigil ni Hontiveros, ‘Tigas talaga ng ulo’

Artificial islands ng China sa WPS, ikinagigil ni Hontiveros, ‘Tigas talaga ng ulo’

October 28, 2022 @ 2:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Senador Risa Hontiveros sa patuloy na paglago ng istrukturang itinatayo ng China sa karagatan na sakop ng PIlipinas sa West Philippine Sea (WPS) na tila hindi pinapansin ng gobyerno.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakakagalit ang ganitong sitwasyon sa kabila ng panawagan ng karamihan kabilang ang mangingisdang apektado ng istrukturang pananakop na palayin ng China, ngunit tila walang kibo ang pamahalaan.

“It is angering to see the continued and growing occupation of China in the West Philippine Sea. Ilang taon na natin pinapanawagan ang paglayas nila sa ating teritoryo pero nagbibingi-bingihan parin ang Tsina,” giit ni Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na matagal nang nalalaman ng pamahalaan ang pagtatayo ng istruktura ng China partikular ang artificial island sa karagatan ng Piipinas ngunit naging bingi ang administrasyon, kasalukuyan at nakaraan sa matinding pagtutol ng taumbayan.

“The Philippines has not fallen short in making the Chinese gov’t aware of our assertion, not least by bringing the case to The Hague and securing the 2016 legal victory. Then and there, China should have halted her activities in the WPS,” giit ni Hontiveros.

“Ngunit ang tigas talaga ng ulo. China is making it hard for the Philippines and all the other claimant countries in the ASEAN to have a productive conversation and a consensual resolution of the matter. Siya ang may diperensya, hindi tayo, kaya siya ang mag-wasto,” aniya.

Iginiit pa ni Hontiveros na nangako ang Pangulo na hindi nito ipamimigay kahit isang pulgada ng teritoryo ng PIlipinas, kaya inaasahan antin na magsasagawa ng kaukulang hakbang ang administrasyon laban sa aroganteng pagkilos ng China at pagyurak sa ating soberenya.

“ Umaksyon na tayo ngayon bago pa tuluyang masakop ng gahamang dayuhan,” ani Hontiveros. Ernie Reyes