Artista gamitin sa COVID-19 infomercial ‘di politiko – Sotto

Artista gamitin sa COVID-19 infomercial ‘di politiko – Sotto

May 30, 2021 @ 9:32 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Dapat mga sikat na artista ang gamitin sa infomercial upang mahikayat ang publiko na magpabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) imbis na politiko ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Ngunit sinabi nito na hindi ito magandang suhestyon dahil maaaring aksaya lamang ito sap era.

“Magka-cancel out. Ano ang ibig kong sabihin? Merong maniniwala, merong matu-turn-off. Kinansel-out mo lang, nagtapon ka lang ng pera. Huwag na,” ani Sotto sa isang panayam sa radyo.

“Gumamit ka ng sikat na basketball player, softball player, volleyball player, gumamit ka ng ganoon, na hindi pulitiko as much as possible. Pagka ganoon, may kasama ng karga yun eh, hindi na maganda,” giit ng senador.

Punto nito na mas ikagagalit ng publiko ang paggamit ng politiko sa kampanya upang pataasin ang kumpiyansa sa bakuna.

“Susmaryosep, apat na pung taon ko ng pinupulsuhan ang masa, alam ko ang ayaw nila at gusto. Ayaw nila noon, ayaw nila. Hindi tatalab ang infomercial mo pag ginamitan mo ng pulitiko.”

Matatandaang inirekomenda ni Senator Joel Villanueva na gamitin sina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo sa COVID-19 infomercial. RNT/ELM