Asawa ni Andrew, bumubuti ang lagay!

Asawa ni Andrew, bumubuti ang lagay!

November 20, 2022 @ 8:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kung binabatikos noon si Andrew Schimmer everytime he became emotional in sharing medical updates about his wife on social media, mukhang sa pagkakataong ito’y magbubunyi ang mga netizens.

In his family’s vlog on YouTube, masayang ibinahagi ni Andrew ang magagandang pagbabago sa kalagayan ng misis niyang si Jho Rovero.

Unti-unti raw ay nababawasan na ang pamamanas nito.

Stable na rin daw ang blood pressure nito na 123/73 although walang gaanong pagbabago sa heart rate nito.

Sinusubukan na rin daw ni Andrew na pakainin si Jho para manumbalik ang weight nito.

Maganda raw kasi ang response ng kanyang digestive system.

Umaasa si Andrew na in time ay mababawasan ang mga aparatong nakakabit kay Jho.

No need na rin daw na ibalik uli ito sa ICU.

Puring-puri nga ni Andrew ang katatagan ng loob ni Jho: “She’s really fighting.”

Matatandaang halos isang taong naka-confine si Jho sa St. Luke’s BGC matapos magkaroon ng hypoxia at cardiac arrest.

Pero eksaktong isang linggo after her discharge ay muli itong ibinalik sa nasabing pagamutan dahil naapektuhan ang kidney nito dahil sa mataas na sodium content ng mga iniinom na gamot.

Sinisi ni Andrew ang umano’y kapabayaan ng nurse. Ronnie Carrasco III