Asawa ni Jinggoy, kaanak positibo sa COVID-19!

Asawa ni Jinggoy, kaanak positibo sa COVID-19!

April 7, 2021 @ 6:47 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mismong si dating Senator Jinggoy Estrada ang nagbalita na maging ang misis niyang si Precy Ejercito ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Asymptomatic daw si Precy at hindi na kailangang dalhin sa ospital.

Bukod kay Precy ay nagpositibo rin daw ang mga tiyahin ng dating senador na mga kapatid ng kanyang amang si dating Manila City Mayor Joseph Estrada.

Duda ni Jinggoy, posible raw dinapuan si Precy at ang kanyang mga tiyahin dahil nag-dinner sila kamakailan.

Samantala, nitong April 7 ay ibinalita ni Jinggoy sa Facebook na bumubuti na raw ang kalagayan ni Erap. Maayos daw ang kidney function nito at hindi na gaanong kailangan ng oxygen requirement.

Okey rin daw ang mga vital signs nito. Gayunpaman, humihingi pa rin si Jinggoy ng dasal para tuluyang gumaling ang ama. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •