Asawa ni Romnick, nabudol o nangbudol?

Asawa ni Romnick, nabudol o nangbudol?

January 23, 2022 @ 11:40 AM 8 months ago


Manila, Philippines – For a time ay pinasok ng asawa ni Romnick Sarmenta ang online selling.

Branded o luxury bags ang naisipang ibenta ni Barbara Ruaro o Barbie na inaangkat niya sa kanyang supplier.

Pero mismong si Romnick na rin ang nagpatigil kay Barbie sa online selling business nito.

Reportedly, as far as Barbie’s clients are concerned, ilan sa kanila ay nagrereklamong tinangay lang daw nito ang kanilang pera.

Pagkatapos sila umanong magbayad ay walang inorder na item ang darating.

Kung dumating man, peke o imitation ang item.

Dahil dito’y nais ng mga kostumer ni Barbie na i-refund nito ang kanilang ibinayad.

Hiningan agad ni Ogie Diaz ng reaction si Romnick through Facebook.

Ayon sa actor, naibalik na nila ang ibinayad ng ilan sa kanila through ATM. May mga matiyagang naghintay na i-refund ang perang ibinayad nila.

Pero sinisisi ni Romnick ang ilan sa nambudol din sa kanila.

Sa paliwanag ni Romnick kay Ogie, hindi peke ang paninda ng kanyang asawa pero palalabasin ng ibang bumili na peke ito kaya nagde-demand ng refund.

Hindi raw sa halagang P40,000 ay sisirain ni Romnick at ng kanyang asawa ang iniingatan nilang pangalan.

“Siya (Barbie) pa nga ang nabudol!” paglilinaw ng aktor. Ronnie Carrasco III