ASEAN dapat may iisang posisyon sa SCS – Anwar

ASEAN dapat may iisang posisyon sa SCS – Anwar

March 4, 2023 @ 10:54 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangan na magtatag o magtakda ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng “common position” habang nakikipag-ugnay sa Beijing para pagaanin ang tensyon sa South China Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim na dapat na nagkakaisa ang bloc sa pakikipag-ugnay sa China upang malinaw na maipahayag ang concerns nito ukol sa lumalaking aktibidad sa contested waters.

Halimbawa na rito ang laser-pointing incident noong Pebrero 6 sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Anwar na ang pagturing sa insidente na “too combative a view” ay hindi makalulutas sa maritime dispute na hanggang ngayon ay nananatiling unresolved ng ilang taon.

“I think let us start with the first option to get the consensus within ASEAN and take a position with the Chinese to suggest that these are our concerns,” ani Anwar.

“[T]he best route is to get into amicable resolution to this. I don’t believe that we need to be too combative with our neighbors because even among ASEAN, we have never been combative, although there were some issues affecting the border territory, but we have already maintained that sort of a reasoned and calm attitude except for Myanmar, of course,” dagdag na wika ni Anwar.

Ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, Taiwan, at China ay mayroong overlapping claims sa South China Sea.

Noong nakaraang buwan, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ang Pilipinas ay nakararanas ng “daily incidents” ng harassment sa West Philippine Sea.

Samantala, sinuportahan naman ni Miyake Kunihiko, research director ng Japan-based think tank The Canon Institute for Global Studies, ang potensiyal na trilateral defense mechanism sa gitna ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan.

“We are not in Europe, we can’t have NATO (North Atlantic Treaty Organization). What we need is a multi-layer security, maritime policing mechanism supplementary to each other,” ani Anwar sa aisang panayam sa isang sidelines n Stratbase ADR Institute forum , araw ng Biyernes.

Sinuportahan din nito ang ideya na joint patrols sa pagitan ng tatlong nasabing bansa at sa Australia sa South China Sea na panatilihin ang “status quo” sa rehiyon at “prevent it from being changed by force.” Kris Jose