ASEAN envoys nasa Myanmar para makipag-usap sa junta chief —official

ASEAN envoys nasa Myanmar para makipag-usap sa junta chief —official

June 4, 2021 @ 10:39 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Myanmar ang mga envoy mula sa Association of Southeast Asian nations (ASEAN) para sa mangyayaring pag-uusap kay junta leader Min Aung Hlaing.

Matatandaang nagkakagulo sa Myanmar at paralisado pa rin ang kanilang ekonomiya simula Pebrero nang mangyari ang kudeta at ikulong ng military ang lider ng bansa, Aung San Suu Kyi.

Pinangunahan nina Erywan Pehin Yusof, ang ikalawang ministro ng Brunei sa foreign affairs, at ASEAN Secretary-General Lim Jock Hoi ang dumating sa Naypwidaw, nitong Martes, ayon sa isang senior Myanmar official, na ayaw nang magpabanggit ng pangalan, sa AFP.

Ngayong Biyernes kikitain ng mga envoy kay Min Aung Hlaing. RNT