ASEAN hinikayat ni PBBM sa pagpapalakas ng ugnayan sa India

ASEAN hinikayat ni PBBM sa pagpapalakas ng ugnayan sa India

November 13, 2022 @ 8:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na mas palakasin pa ang ‘partnership’ sa India upang matiyak na mas uunlad pa ang sektor ng medisina at bakuna sa rehiyon.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang naging interbensyon sa 19th ASEAN-India Summit, habang bumabawi at bumabangon ang Southeast Asia mula sa COVID-19 pandemic, kailangan na tiyakin ng mga gobyerno ng ASEAN country ang “better access” sa health services, medisina, at bakuna.

“ASEAN friends, let us not miss the opportunity of having the ‘pharmacy of the world’ as our close neighbor and dialogue partner. The high cost of life-saving medicines and vaccines are barriers to a healthy population,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Let us work closely with India in ensuring that our region has access to a sufficient volume of affordable, high-quality medicines and vaccines., aniya pa rin.

Ipinanukala rin ng Pangulo ang “deeper engagement with India” hinggil sa blue economy, partikular na sa Indo-Pacific region na maging isang geopolitical at geoeconomic theater.

Idagdag pa, kailangan na mahanap ng mga ministers at senior officials ang intersection sa pagitan ng maritime security at economic prosperity cooperation sa Indo-Pacific, na dapat lamang na balanse sa pamamagitan ng “shared concern over preventing further environmental degradation allowing the region’s marine ecosystem to thrive.”

“We cannot move towards a blue economy if our oceans cannot support sustainable, vibrant life,” wika ng Pangulo.

At para labanan naman ang masamang epekto ng climate change, hinikayat naman ni Marcos ang India na patuloy na suportahan ang ASEAN Center for Biodiversity’s work para pagaanin ang biodiversity loss sa pamamagitan ng pagma-manage sa ASEAN heritage parks.

Para tugunan naman ang usapin ng fluctuations sa bigas at fertilizer supply maging ang presyo nito, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na makatrabaho ang India para ipatupad ang “ASEAN Multi-sectoral Framework on Climate Change: Agriculture and Forestry Contributing to Food Security and Sustainable Development Goals.” Kris Jose