ASEAN naval exercise pangungunahan ng Pinas

ASEAN naval exercise pangungunahan ng Pinas

January 18, 2023 @ 7:43 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pangungunahan ng Philippine Navy ang isasagawang 2nd ASEAN Multilateral Naval Exercise (AMNEX), na layong maipakilala ang interoperability ng iba’t ibang naval forces sa rehiyon.

Ani PN spokesperson Commander Benjo Negranza nitong Miyerkules, Enero 18, ang 2nd AMNEX ay gaganapin sa ikatlo o huling bahagi ng taon batay sa final planning conference na idinaos sa Heritage Hotel sa Pasay City nitong Martes, Enero 17.

“A basic training plan that will direct the staging of this naval exercise aimed at advancing interoperability and seamless execution among ASEAN naval forces was developed at the conference by Navy representatives from ASEAN member countries Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, and Vietnam,” ani Negranza.

Ang ideya para sa AMNEX ay ipinasa ng Royal Thai Navy kasabay ng 8th ASEAN Naval Chiefs Meeting (ANCM) noong 2014.

Ang AMNEX ay unang isinagawa sa Thailand noong 2017 taglay ang tatlong main pillars – interoperability, responsiveness, at readiness – upang tumugon sa mga karaniwang maritime concerns sa rehiyon.

“This endeavor represents the PN’s resolve to forge closer ties, deepen understanding, and foster cooperation in the direction of a peaceful and stable ASEAN region,” dagdag ni Negranza. RNT/JGC