Asec. Mocha, kumasa sa hamon ni Senador Binay

Asec. Mocha, kumasa sa hamon ni Senador Binay

August 2, 2018 @ 3:18 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kinasahan si Presidential Communications Operations Office (PCOO)  Assistant Secretary Mocha Uson ang imbitasyon ni Senator Nancy Binay na ipaliwanag sa Senado ang pederalismo.

Aniya, isang malaking karangalan ang maimbitahan sa senado at ipaliwanag ang kanyang nalalaman ukol sa pederalismo.

Magkakaroon lamang muna ng pagpupulong ang kaniyang opisina at ang Consultative Commission (Con-Com) bukas, Agosto 3 para malaman ang kaniyang magiging katayuan sa kampanya sa pederalismo.

Nauna rito, balak ng Con-Com na kunin si Uson para tulungan sa kampanya sa pagsulong ng federal form of government kung saan lalagyan ito ng budget na aabot sa P90 milyon.

Kaya nga, nais ni Senator Binay na imbitahan si Uson sa Senado para malaman na hindi masasayang ang inilaan na pondo. (Kris Jose)