Asec Mocha, pumiyok: pagganap bilang journalist sa Hollywood movie, malaking hamon

Asec Mocha, pumiyok: pagganap bilang journalist sa Hollywood movie, malaking hamon

August 3, 2018 @ 7:41 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isang malaking hamon para kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang gumanap bilang isang journalist sa Hollywood movie na “Kaibigan” kasama ang aktor na si Stephen Baldwin.

Pinagbatayan ni Asec. Mocha ang kanyang karanasan sa pagko-cover kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang Malacañan Press Corps na aniya ay hindi madali ang pagiging reporter.

Aniya, pagkatapos kasi ng isang interview, kinakailangan na magsulat ang mga journalist dahil sa deadline.

Sa kabilang dako, wala pang script o briefing para sa kanyang role bilang journalist.

Bukod kay Uson, kasama rin sa pelikula si Special Assistant to the President Bong Go na gaganap naman na isang coach.

Kinumpirma naman ni Go na tinanggap ng Pangulo ang imbitasyon ni Baldwin na manood sa premier ng pelikulang “Kaibigan” anumang araw sa Oktubre o Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Tiniyak din niya na gagampanan niya sa nasabing pelikula ang pagiging coach ng basketball team ng National City High School kung saan players niya ang Perkins twins bilang mga estudyante.

Binigyang-diin ni Go na walang TF ang role niya sa pelikula dahil ang mahalaga ay maikintal sa isip at puso ng mga manonood ang mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at makatulong sa mga kabataan.

Maliban sa isyu ng kanyang paparating na pelikula, binigyan din ni Baldwin ng kanyang librong “The Unusual Suspect” si Pangulong Duterte. Kris Jose