ASF naitala sa GenSan City

ASF naitala sa GenSan City

January 31, 2022 @ 2:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakapagtala ang General Santos City ng kaso ng African swine fever, batay sa ulat.

Ayon kay Dr. Antonio Ephrem Marin, partikular na tinamaan ang Purok San Lorenzo sa Barangay Apopong noong Enero 21.

“Unang-una po paglilinaw, hindi po siya outbreak. Incursion lang po ang tawag dun. Isang insidente lang po ng ASF ang nangyari dito sa General Santos,” lahad ng beterinaryo sa panayam ng TeleRadyo.

Samantala, bineripika naman ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory na mayroon ngang nagpositibo sa ASF sa mga pinadalang blood sample.

Bilang aksyon, nasa 500 baboy naman ang pinatay upang maiwasan na ang pagkalat pa ng sakit.

Sa kabila nito, pinagkalooban naman ang backyard raiser ng P5,000 para sa inahin at barako; P3,000 sa grower; at  P1,000 sa biik.

“Hindi ho siya kalat. Sa ngayon, nag-conduct kami ng further blood sampling sa iba’t ibang barangay e wala naman pong sumusunod na positive case,” punto ni Martin. RNT/FGDC