ASF vax sa Pinas, malapit na!

ASF vax sa Pinas, malapit na!

February 18, 2023 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Malapit nang maging available sa Pilipinas ang unang commercial vaccine laban sa African Swine Fever (ASF), isang viral hog disease na pumipinsala sa swine industries asa buong mundo sa muling paglitaw nito noong 2018, kung saan isang turok lamang ang kailangan para para protektahan ang mga baboy, ayon sa isang local agricultural product company.

Inihayag ng KPP Powers Commodities Inc. (KPP Powers) na inaasahang makukumpleto ang ASF vaccine trials sa April 2023, sa gitna ng banta ng ASF na mitsa ng pagkalugi ng hog raisers sa bansa. Sinabi ng KPP Powers na nakikipag-ugnayan ito sa Vietnamese manufacturer AVAC Vietnam Joint Stock Co. para sa local distribution ng bakuna.

“Once infected with ASF, pigs die within a matter of days resulting in huge losses to hog farmers. In the Philippines, ASF is directly responsible for more than a 50-percent decline in the local swine population, resulting in loss of livelihoods of local hog backyard raisers, shutdown of large commercial pig farms, decline in feed mill operations and loss of revenues of allied industries with an estimated economic value of more than P100 billion a year,” pahayag ng KPP Powers.

Ginawa ng AVAC sa Vietnam ang bakuna, na sumailalim sa rigid clinical trials at field testing na mahigpit na binantayan ng Vietnamese government, batay sa KPP Powers.

Ayon kay KPP Powers Managing Director Juancho Robles, ang AVAC ang “only company in the world that has a commercial use ASF vaccine with a valid certificate of product registration (marketing authorization)” and the “first veterinary vaccine factory in Vietnam certified under the World Health Organization-Good Manufacturing Practices standard.”

“The Vietnamese government recently reported that more than 600,000 doses of the AVAC ASF vaccine have been administered in field trials since July 2022. Because of the highly favorable results, the Vietnamese government will also start this month its own nationwide distribution of the vaccine to help local hog farmers,” sabi ng KPP Powers.

“Only one injection is necessary to protect growing pigs,” dagdag nito.

Noong 2019, muling lumitaw ang ASF sa Pilipinas na kumalat na sa 3,800 barangay sa 53 lalawigan hanggang nitong Hulyo 2022. Dahil sa ASF, bumaba ang local pork production sa Pilipinas.

Kasalukuyang sumasailalim sa local trials ang bakuna sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Animal Industry. Kasalukuyang nakikipagtulungan ang KPP Powersa apat pang local companies: San Miguel Corporation, UNAHCO (a Unilab company), Charoen Pokphand Philippines, at PILMICO. RNT/SA