ASG member arestado sa NAIA

ASG member arestado sa NAIA

May 14, 2022 @ 8:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na di-umano’y sangkot sa 2002 Jehovah’s Witness kidnapping at Lamitan Siege ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na pinangunahan ng mga operatiba ng District Intelligence Division-Southern Police District (DID-SPD) nitong Mayo 12. 

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang inarestong suspect na si Omar Bin Harun a.k.a. Airola-Adjustable, 52, security guard, tubong Brgy. Kasanyangan, Zamboaga City.

Inaresto ang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Judge Toribio E. Ilao Jr. ng Branch 266 noong Nobyembre 5, 2009 para sa mga kasong for kidnapping at serious illegal detention na may ransom na nakapailalim sa Criminal Case No. 128923-H A hanggang E na walang inirekomendang piyansa. 

Ayon kay Macaraeg, nakatanggap ng impormasyon ang DIID na paparating sa bansa lulan ng eroplanong Philippine Airlines (PAL) sa NAIA Terminal 2 ang suspect na si si Harun ng alas 5:00 ng hapon ng Mayo 10 (Martes) mula Malaysia.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang DIID kung saan agad na nagtungo ang pulisya sa NAIA Terminal II na bitbit ang kopya ng warrant of arrest para makipagkoordinasyon sa Bureau of Immigration (BI), Aviation Security Group (ASG) at Airport Police.

Hindi na pinakawalan pa nang lumapag ang eroplano sa NAIA at maberipika ito sa tanggapan ng BI Port Operation Center ang suspect na si Harun na may hawak na Malaysian passport upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan.

Sa isinagawagn custodial debriefing ng mga tauhan ng BI sa airport ay lumalabas na ang suspect ay isang Filipino citizen at base sa kanyang records sa BID, ang isang Omar Bin Harun a.k.a. Ariola-Adjustable ay kasma sa listahan ng Terrorism Screening Center (TSC) ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos kung kayat ang pagsisilbi ng warrant of arrest ay naantala dahil kailangan pang i-lift ang exclusion nito mula sa Office of the Commissioner ng BID. 

Sinabi pa ni Macaaraeg na sa pamamagitan ni P/Major Renante A. Galang na OIC ng DID-SPD ay agad na hiniling sa BID ang lifting ng exclusion kasabay na rin ng request kay Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong ng Department of Justice (DOJ) para naman sa identification ni Airola-Adjustable ni isa sa mga naging biktima ng suspectna kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Witness Protection Program.

Nang makumpleto na ang mga kaukulang dokumento ay agad na inaresto ng DID kabilang ang iba pang ahensya ng gobyerno ang suspect dakong alas 9:45 Huwebes ng gabi (May 12).

Positibo ring itinuro at kinilala ng victim-witness si Airola-Adjustable sa pamamagitan ng pitrato at kanyang inisyung sinumpaang salaysay na nagpapatotoo na ang arestadong suspect ay isa sa mga dumukot sa kanya kabilang ang iba pang miyembro ng Jehovah’s Witness noong Agosto 2002.

Ang suspect ay pansamantalang nasa kustodiya ng DID-SPD para sa kaukulang dokumentasyon at inimpormahan na rin ng naturang dibisyon ang korte na nag-isyu ng warrant of arrest tungkol sa pagkakaaresto ng suspect.

Si Harun ay pang-apat na meymebro ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Radullan Sahiron na nauna nang inaresto ng SPD bukod pa kina Taupik Galbun y Gaffar a.k.a. Pa Wahid, Saik Galbun y Gaffar a.k.a. Pa Tanda at Dumayag Alih y Fahad alias Abu Cola na maga inaresto sa Taguig City noong Hulyo 2021 at Pebrero ng taong kasalukuyan, ayon sa pagkakasunod-sunod. James I. Catapusan