ASG member patay sa bakbakan sa Sulu

ASG member patay sa bakbakan sa Sulu

October 16, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan sa probinsya ng Sulu.

Ito ang iniulat ng ni Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, Joint Task Force commander nitong Sabado, Oktubre 15 kung saan napatay ang miyembrong si Ben Saji, gabi ng Huwebes sa Barangay Bungkaong, Patikul.

Dagdag pa, nagsasagawa ng security operation ang 45th Infantry Batallion ng Philippine Army nang maka-engkwentro nila ang mga tagasunod ni ASG leader Abu Pading.

“Our troops were on a routine patrol when a concerned citizen tipped off the presence of ASG bandits at the outskirts in Barangay Bungkaong,” ani Patrimonio.

“While on their way to check the veracity of the report, the troops were fired upon by around four ASG bandits,” dagdag pa niya.

Nakatakas naman ang ibang kasamahan ni Saji.

“Upon verification, he was identified as Ben Saji under ASG sub-leader Abu Padding,” sinabi ni Brig. Gen. Benjamin Batara Jr., commander ng 1103rd Infantry Brigade.

Narekober ng mga sundalo ang isang M16 rifle na may mga bala.

Naiturn-over na sa mga opisyal ng bayan ang katawan ni Saji. RNT/JGC