ASG patay, 2 sundalo sugatan sa sagupaan sa Sulu

ASG patay, 2 sundalo sugatan sa sagupaan sa Sulu

February 22, 2023 @ 9:40 AM 1 month ago


SULU –PATAY ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawang sundalo sugatan sa magkahiwalay na sagupaan kahapon sa bulubunduking bahagi sa probinsya ng Sulu.

Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, 11th Infantry Division commander, unang naganap ang engkuwentro bandang 7:00 AM sa Barangay Kabbon Takas, sa bayan ng Patikul.

Kinilala ang nasawi na si Rudy Mar Habib Jihiran, isa sa mga tauhan ni ASG leader Mudzrimar Sawadjaan.

Si Jihiran ay asawa ni Sitti Aisyah Rullie, kilang bilang Maryam Israni, isang Indonesian at aral bilang isang suicide bomber.

Magugunitang nasagip ng tropa ng pamahalaan ang anak ng mag-asawang Indonesian terrorist na sina Rullie Rian Zeke at Ulfa Handayani Saleh na si Sitti Aisyah mula sa kuta ni Jihiran noong Hunyo 2021 sa Barangay Bangkal, Patikul.

Sinabi ng militar na nag mag-asawang Saleh ay kilala bilang suicide bombers at itinuturong nasa likod ng pambobomba ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral , sa Jolo taon 2019.

Sinabi ni Patrimonio tumagal ng ilang minuto ang sagupaan sa pagitan ng grupo ni Sawadjaan at tropa ng Army’s 111th Division Reconnaissance Company (DRC) at 32nd Infantry Battalion (IB).

Sa lakas ng mga putok na pinakawalan ng tropa ng pamahalaan tinamaan si Jihiran habang mabilis na tumakas ang mga kasama nitong bandidong ASG.

Narekober naman ng militar sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang bangkay ni Jihiran, isang M14 rifle, mga bala, isang analog na cellphone, at tatlong backpack na naglalaman ng iba’t ibang personal na kagamitan.

Sunod naman nakasagupa ng tropa ng 32IB ang mga tumakas na bandidong ASG na ikinasugat ng dalawang sundalo .

Nasa maayos naman na kondisyon na ang 2 sundalo matapos lapatan ng lunas sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital, sa Jolo./Mary Anne Sapico