Ash Wednesday ilaan para sa panalanging pangkapayapaan sa Ukraine – Pope

Ash Wednesday ilaan para sa panalanging pangkapayapaan sa Ukraine – Pope

March 1, 2022 @ 10:40 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Santo Papa na ang Marso 2, Ash Wednesday bilang Araw ng Panalangin para sa pag-aayuno at kapayapaan habang hinihimok niya ang mga mananampalataya na manalangin para sa kapayapaan sa Ukraine.

Ginawa ng Kanyang Kabanalan ang apela sa kanyang pampublikong tagapakinig sa Vatican noong Pebrero 23, ayon sa ulat ng Catholic News Agency.

“I would like to appeal to everyone, believers and non-believers alike. Jesus taught us that the diabolical evil of violence is answered with the weapons of God, with prayer and fasting,”

“I invite everyone to make next March 2, Ash Wednesday, a day of fasting for peace. I encourage believers in a special way to devote themselves intensely to prayer and fasting on that day. May the Queen of Peace preserve the world from the madness of war,” sabi ng Santo Papa

Ipagdiriwang ng mga Romano Katoliko ang 40-araw na Panahon ng Kuwaresma sa Marso 2, Ash Wednesday. Ang pagdiriwang ay nagtatapos sa Abril sa paggunita ng Semana Santa.

“Despite the diplomatic efforts over the past few weeks, increasingly alarming scenarios are opening up. Like me, many people throughout the world are feeling anguish and concern. Once again the peace of all is threatened by partisan interests. I would like all those who have the political responsibility to make a serious examination of conscience before God, who is the God of peace and not of war . He wants us to be brothers and not enemies. I pray that all parties involved will refrain from any action that will cause even more suffering for people, destabilizing coexistence among nations and undermining international law,” sinabi ni Pope Francis sa kanyang public address.

Noong Enero, pinangunahan ni Pope Francis ang isang pandaigdigang araw ng panalangin para sa kapayapaan sa Ukraine.

Samantala, Balanga Bishop Rupert C. Santos, bishop promoter ng Stella Maris Philippines, ay nagpahayag ng kanyang pakikiisa sa Holy Father para sa kapayapaan sa Ukraine.

Sinabi ng Obispo na nag-aalay sila ng banal na misa sa diocese para sa restoration ng kapayapaan sa Ukraine. Jocelyn Tabangcura-Domenden